MATEO 24: 1-14: NAKATAKDANG PAGKAWASAK NG TEMPLO IPINAGPAUNA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MALAKING KAUGNAYAN SA NAGAGANAP NGAYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA TEMPLO CENTRAL
Mateo 24: 1-14
Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
1 Lumabas si Jesus sa Templo. Paalis na siya nang lumapit ang mga alagad at itinuro sa kanya ang mga gusali ng Templo. 2 Sinabi niya sa kanila, “Nakikita ba ninyo ang mga gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating ang araw na wala riyang matitirang bato sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay iguguho!”
Dumating na sa takdang panahon na lilisanin na ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang Templo kaya nagbibilin na. Sa panahong yaon umiiral na rin ang pagtugis sa Kanya dahil sa dala-dala Niyang Katotohanan mula sa Dakilang Diyos na nagsugo sa Kanya. Sila ang mga nag-aastang makapangyarihang mga lider na nasa hanay ng mga Paresio na nakipagsabwatan na rin sa mga Saduseo (naka-ugnay sa Sanedrin o sa gobyerno) para maipapatay lamang Siya. Palibhasa matataas na rin ang pagkakilala sa kanilang sarili dahil pawang mga lider nga sila ng sambahayan ng Israel noon. Kinilala nila ang kanilang mga sarili na sila lang ang tuwirang may karapatan at nakakaalam sa tunay na paglilingkod patungkol sa Panginoong Diyos kaya ang pagsusugo sa Kanya (Panginoong Jesu-Cristo) ng Panginoong Diyos ay sinasalungat at pinag-aalinlanganan pa nila. Ngunit tiniyak sa Espiritual na pahayag sa Espiritual din na paliwanag sila ang mga nag-aanyong matatag o matibay na bato na wari ay hindi matitinag. Magkakasalansan ang bato, katayuan nila o karapatan na ang pagkakahirang ay bigay at gawa ng tao lamang. Sila ay pawang mga nanghawak sa sariling kaalaman at nanalig sa magagawa nila sa pagpapasunod sa mga nasasakop ng kanilang kapangyarihan. Kaya naman, dahil doon ay tiniyak ng Panginoong Jesu-Cristo na sila ay matitinag at maibabagsak rin. Oo, halos LAHAT nga ng naroroon sa Jerusalem ay matitinag ng isang pangyayaring ikagugupo, at ikapanlulumo ng lahat ng nasa Jerusalem.
Yan din ang ating ipinagpapauna ngayon, na kung paano naganap sa Jerusalem noon, ganyan na ganyan din ang pagkakatulad na magaganap ng na nga sa loob ng CENTRAL ngayon ng Iglesia ni Cristo, na pinamumunuan ng mga tiwali at pabayang lider dahil sa kasakiman nila sa mga bagay at kayamanan na panlupa lamang.
Ito ang pasya ng Panginoong Diyos na ini-uudyok ng Banal na Espiritu sa atin ngayon. Walang matibay na nasa katayuan na o karapatan, na nakaposisyon ang hindi maigigiba. Ipinagpauna at ipinauunawa, LAHAT! Walang maitatangi mula sa pangunahing lider yan ang Pamamahala, sa mga tiwaling Sangguniang lider, mga kinikilalang Tagapangasiwang lider o sinumang mahalagang tauhin na nasa loob ng ibat-ibang departamento hanggang sa kaliit-liitang bahagi basta nasa loob ng CENTRAL. LAHAT ay pawang igugupo at panghihinaan ng loob kapag naganap na ang hatol ng Panginoong Diyos para sa kanilang lahat na gumawa ng kalapastanganan na nagmalabis at puminsala sa Kabanalan ng Templo at nagpabaya sa mga hinirang sa kabuuan ng Iglesia ni Cristo.
PAUNAWA NG BANAL NA ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS. HINDI KO SARILING UNAWA AT KARUNUNGAN ITO…
Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
3 Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?”
Ang mga katanungang ito ay palihim na ring nasasambit ng mga kapatid natin ngayon sa kanilang sariling mga panalangin sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na waring may pananabik na sa Kanyang pagparito at kung mangyari yun ay kaalinsabay na rin ng katapusan na ng mundo. Ngunit hindi pa gayun sapagkat may mga palatandaang pang hindi nagaganap. At kung ito ay naihahanay sa kanila ayon sa mga ministro kapag itinatanong mo ang patungkol sa bagay na ito ay matatag nilang sinasabi na hindi pa itinuturo sa kanilang klase sa Ministeryo. Ngunit ngayon ay ipinahihintulot na maihanay at mabigyan ng kaukulang paliwanag sa nakaraan na may malaking kaugnayan sa kaganapang nagaganap sa pangkasalukuyan at magaganap pa lang sa hinaharap na bahagi na rin ng ating paglalakbay.
Kaugnay diyan ang mga kapatid natin ay hindi tumitigil sa pananalangin lalo na, ng mga nasa panig ng mga nahihirapan na dahil sa pagmamalabis ng mga salbahe at pabayang lider. Humahanap na rin ng palatandaan ang mga kapatid kung kailan nga ba matitigil ang katiwalian at kailan din magwawakas ang kasamaan ng mga abusadong lider na tumitindig sa CENTRAL sila na inaasahan sanang mangangalaga sa ating lahat sila pa ang nagpapahirap at nagpapabigat sa damdamin at kalooban ng mga kapatid. Kaya gayun na lang ang kanilang pananabik na sana ay may totoong handa muling magmamahal at magmamalasakit sa Iglesia ni Cristo katulad na katulad ng pangunguna, pangangasiwa, pagmamalasakit at pangangalaga ng kapatid na Felix Y. Manalo at ng Kagalang-galang na mahal nating Kapatid na Erano G. Manalo. Kaya lang talagang kakaiba sa panahon nating ito ng ito ay nasa Pamamahala na ng Ka. Eduardo V. Manalo. Kaya ano ang bilin sa atin?
4 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! 5 Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw.
Ito ang paunang bilin na dapat nating mailakip ngayon ang pag-iingat! Yan ang pahayag mismo ng Panginoong Jesu-Cristo natin upang hindi tayo mailigaw ninuman. Sapagkat totoong may magpapanggap na nauunawaan nila ang nais ipaunawa ng Panginoon Jesu-Cristo. Kung bakit nasabing magpapanggap na Cristo ay sapagkat ang Panginoong Jesu-Cristo mismo sa hanay ng ilang talata ng Biblia ay isang Propeta. Kaya marami talaga ang magpapanggap na sila man din ay Propeta dahil ipapalagay nila sa kanilang sarili na kaya nga nilang tularan ang pagkaunawa mayron ang Panginoong Jesu-Cristo kung paano nakapagpapaliwanag ng malalalim na mga hiwaga at talinhaga. Kaya mapapansin niyo sa kanilang paglilitanya may pag-aangkin na hindi naman para sa kanila o hindi naman talaga ipinag-uutos sa kanila ng Panginoong Diyos. Kaya darating sa kanilang lahat ang pagkalito at hindi matatanggap kahit alam nilang may Katotohanan ang ating ipinapahayag na palilitawin pa nga na tayo ang tumutulad lamang sa pagbibigay kahulugan sa mga talata ng Banal na Kasulatan na kanilang binabago sa paliwanag na naibigay na sa atin sa tulong ng Banal na Espiritu. Kaya nga ipang-aakit nila ito sa iba na tila sila ang pinagmulan. Ngunit ano ang mangyayari sa mapapaniwala nila gaya ng ipinagpauna ng ating Panginoong Jesu-Cristo? MARAMI SILANG MAILILIGAW! Pagkat binago nila ang pagkaunawa ng mga nakaunawa na! Kaya mahirap mangahas ng hindi naman nila kaukulan dahil ipagsusulit nila ito sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo pagdating ng araw. Ano ang panganib? Ligtas na sana, lamang nailigaw ng sariling pagkaunawa ng nagpakilalang sa pamamagitan ng kanyang paghahanay ay maakit nilang maisang tabi ang ating ginagawa at mabaling sa kanila ang lahat.
Kung nagagawa man ng inyong abang lingkod na makapaghanay at makapagpaliwanag, ang Karunungang ito at Kaalaman na ating dala-dala ay hindi mula sa akin, kundi ito ay mula sa ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pagsusugo ng Banal na Espiritu. Kaya naman, napahihintulutan lamang ako dahil sa Kanilang Patnubay at Paggabay ng Kanilang Kapangyarihan na sumasaatin ng mabantayan Nila ang aking paghahanay. Dahil kinikilala ng inyong abang lingkod, wala akong anumang kaalaman at karunungang maipagmamalaki sapagkat ako ay isang pangkaraniwang kapatid lamang. Ni hindi ako nakatuntong sa Ministeryo o anumang paaralang may kaugnayan sa Biblia. Ngunit dahil sa kaugnayan ko sa Banal na Katawan ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang isang ganap at tunay na Iglesia ni Cristo, awa at pag-ibig na lamang sa akin ito ng ating Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo na pahiramin ako ng kakayahang magpaliwanag katulad ng isang mangangaral na nagtuturo ng Banal na Salita ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Napakakasangkapan lamang ako para maiparating sa lahat, kung ano ang tunay at totoong Kalooban ng Panginoong Diyos na ngayon ay ipinaglilingkod ko sa inyong lahat. Kung mayroon mang babangon para kwestyunin ang aking ginagawa, una na ninyong pinag-aalinlangan ang Panginoong Diyos na nagsugo ng Banal na Espirirtu upang mapahintulutan lamang ang inyong abang lingkod na mapahiram ng Karunungan. Kaya ipinagdidiinan kong muling ipinauunawa na ang karapatang ito ay mula sa Panginoong Diyos at hindi mula sa akin at hindi sa pangkaraniwang tao lamang. Kaya naman bahagi ng Kanilang pag-iingat sa akin kahit namamalagi ako sa Templong ito ng ating Panginoong Diyos. Walang makapag-aalis sa akin dito hanggat hindi pa pinahihintulot na lisanin ko ito. Mamamalagi ako sa loob, sa punong kinatataguan ko na abot tanaw ko lang ang paligid ng Templo. Nakatunghay lamang ako, nagmamasid sa lahat gaya ng bilin, upang masunod ko ang NAKAHIHIGIT SA AKIN.
Tulad ng bilin ng Panginoong Jesu-Cristo, pinag-iingat ang lahat sapagkat marami silang maililigaw. Kung sakaling iba na ang aral na aking ipinauunawa sa inyo at hindi na ayon sa doktrina na ating kinagisnan bilang Iglesia ni Cristo, at kung wala na sa Banal na Kasulatan ang mga pinaghahanay ko, ay huwag na ninyo akong paniwalaan, ako na mismo ang humihiling sa inyo, lalo na sa panig ng mga kumikilala sa ginagawa ko. Kalimutan na ninyo na may Elias Arkanghel na humikayat na basahin ang mga hanay na napapaloob sa Blog na ito. Ngunit kung namamalagi ang inyong pananalig at pananampalataya dahil tunay at totoo naman nakapaloob sa Banal na Kasulatan ang aking naihahanay, hiling ko basahin ninyong mabuti, matapos ninyong idalangin para sa inyong sarili na taglayin ang pagkaunawa upang sa ikatitibay ninyong lahat. Subalit kung may Elias na kinikilala kayo at Siya ang Hinirang ng Panginoong Diyos, ako man dapat lamang na kilalanin ko siya at buong pitagan na susunod sa kanya.
6 Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba’t ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama’t hindi pa iyon ang katapusan ng mundo.
Ang mga labanang ito ay bunga ng pamiminsala, pagmamalabis, panggigipit pananakot sa mga kapatid nating Iglesia ni Cristo ng mga tiwaling Sanggunian at mga umaayon sa kanila. Sila ay matapang ng dinigdigma ng mga kapatid natin na nagmamalasakit sa Iglesia ni Cristo ito ang hanay ng mga nagtatanggol gamit ang Social Media. Ngunit gaya ng bilin ay huwag mabahala sa mga tiwaling Sanggunian sapagkat tiniyak na mangyari ito ngunit hindi pa katapusan ng ating inaasahan. Ano pa ang maaaring mangyari?
7 Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. 8 Ang lahat ng mga ito’y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.
Gaya ng kasunod na hanay ng talata sa Banal na Kasulatan. Nakatakdang maganap din sa hanay nating magkakapatid ang paglalabanan ng mga bansa, ito ay tulad ng nangyari sa pag-aaklas sa isang Lokal natin sa California,U.S.A. na sama-samang nagpahayag habang bitbit ang mga placard na puno ng hinanakit laban sa katiwalian ng mga tiwaling Sanggunian ng Iglesia na nasa pinaka-sentrong tanggapan ng Iglesia ni Cristo na nasa Quezon City, sa Pilipinas. Kabilang na sa mga umalma na mga Lokal ng Iglesia ni Cristo ay ang bansa ng Japan at Singapore na nakaranas ng pamiminsala ng mga tiwaling Sanggunian na may malaking kaugnayan sa pananalapi doon ng Iglesia ni Cristo. Ngunit ang nakatakdang mga bansa na may katulad na ring magiging pagkilos laban sa mga katiwalian sa pananalapi sa Iglesia, ang bubulabog sa kaisipan ng lahat ng mga nasa loob ng CENTRAL. Kaya dahil diyan lahat sila ay pawang magugulimihanan, mangalilito at sila-sila na ang mangaglalaban-laban.
9 “Sa mga panahong iyon, kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin,
Totoong nanggigil at nagngangalit na ang kanilang mga ngipin. Walang alinlangan sapagkat ipinagpauna sa atin ng Panginoong Jesu-Cristo na kapopootan talaga nila tayo dahil sinunod natin ang mga aral at doktrina na ipinagmalasakit sa ating ipangaral ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo ng sila ay nabubuhay pa. Kaya totoo rin ang malupit na dinanas ng kapatid na Lowell Minorca na pahirap sa kanya. May paunang pahayag ang Panginoong Jesu-Cristo mismo. Ngayon ay plano nilang muli na makipagsabwatan sa may kaugnayan sa Sanedrin at gobyerno para paboran sila dahil kaya pa nila itong imaniobra dahil sa nalalapit na halalan pangpanguluhan, lalo na ang PNP Chief ay nagpakita sa simula pa lang ng kaamuan ng pagsunod sa kanila dahil isa ring tuta na lobo na ngayon ay nangangagat na at naninila pa. Ngunit matakot at mabahala sila. Mamaniobra nila ang batas ng tao ngunit kailanman hindi ang galit ng Panginoong Diyos natin na malapit na Niya na pairalin! Kung napahintulutan sila sa simula, ngunit hindi na masusundan sapagkat ang gapos sa kamay na mahigpit na nagpahirap sa totoong kapatid na Lowell Minorca ay sa kanila ng mga kamay igagapos pangunahin na sa mga tiwaling Sanggunian. Ito ay pasya ng Dakilang Diyos sa udyok ngayon ng Banal na Espiritu. Panukala Niya kaya Kanyang papangyarihin! Sinalita ng Panginoong Diyos kaya tiyak na papangyarihin.
10 at dahil dito’y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa’t isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Ang kasamaa’y lalaganap, kaya’t manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.”
Ngunit bago mangyari yan sa maikling panahon na lamang na nalalabi sa kanilang pamamayagpag sa paggawa ng masama laban sa mga kapatid ay titindi pa ang kanilang pagmamalupit at magiging malaganap pa ang kanilang kasamaan. Kaya nga sa kalabisan ng kasamaan nila marami ang manlalamig at kanilang maitatalikod sa pananampalataya gaya ng ipinagpauna ng Panginoong Jesu-Cristo natin at ang iba nga ay magkakanulo pa sa isat-isa. Ngunit huwag sanang dumating sa inyo mga mahal kong kapatid na kayo ay makabilang sa mga tatalikod. Sapagkat lalo kayong magiging kaawa-awa kapag ang Panginoong Diyos ay hindi na ninyo maapuhap dahil nanaig na rin sa inyo ang labis na galit na nauwi na sa pagkapoot, na hindi marapat taglayin ng isang tunay na Iglesia ni Cristo. Kaya nga inuulit ko, kakaunting panahon na lamang ang kanilang pamamayagpag kung itutumbas sa halos anim na taong lumipas, na paghahari-harian nila sa loob ng Iglesia ni Cristo.
May inaasahan tayong kaligtasang darating mga mahal kong kapatid kaya manghawak at lalo tayong magtumibay sa pananampalataya na ating pinuhunanan sa mahabang panahon. Panahon ng pagtatapat hanggang matapos natin ang ating takbuhin! Kaya hindi marapat na magpatalo at magpadaig sa kanila na may mga mapupusok, malulupit na tusong pamamaraan ng diablo, para alisin ang liwanag ng pananampalatayang magliligtas sa atin sa araw ng paghuhukom. Kaya mga mahal kong kapatid kayanin niyo pa! May paraan para lumakas kayo. Halikayo! Narito ang Kapangyarihan ng Panginoong Diyos! Hayan at handang humaplos sa iyo! Naramdaman muna ba na tumabi sayo ang Kanyang Kapangyarihan? Pagkakataon muna mahal kong kapatid! Yan ang Banal na Espiritung hiniling ko sa panalangin kanina na sasama sa inyo ngayon, habang isinasagawa ninyo kahit ang maikling panalangin patungkol sayo, sa mga mahal mo sa buhay at sa ibig pa ninyong patungkulan. Samantalahin mo ang pagkakataon. Ipaglambing ninyo ang inyong sambahayan, na ni isa ay walang mawalay kung dumating man ang pinaka-matinding kabagabagan sa buhay ng lahat ng Iglesia ni Cristo. Ipagmakaawa ninyo sa ating Dakilang Diyos ang inyong kapalaran bibigat man ang pagdadala ng buhay ngunit makasama lang ninyo Siya araw-araw ay hinding-hindi magkukulang. Sapagkat sasapat ang lahat ng biyayang inyong tatanggapin mula ngayon na galing sa Kanya sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristong mahal! Lumakip na Siya sa inyong pagkatao kaya pamalagiin na ninyo ang mabuti at Banal na kaisipan na taglay ang maamo, mahinahon at mababang kaisipan na laging Sumasamba, Dumadakila sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo na yayakap sa inyong lahat, hahagod sa inyong likuran, hahaplos sa pagal na ninyong puso. Oo mga mahal kong kapatid laging maramdaman natin na Sila ay hindi lalayo sa atin pagkat tayo ay Kanilang minamahal. – Elias Arkanghel
MATEO 24: 1-14 : NAKATAKDANG PAGKAWASAK NG TEMPLO IPINAGPAUNA NG PANGINOONG JESU-CRISTO, MALAKING KAUGNAYAN SA NAGAGANAP NGAYON SA LOOB NG IGLESIA NI CRISTO SA TEMPLO CENTRAL
————————————————————————————-
-
Magandang hapon po, mahal naming Kapatid na Elias,
Habang nakatutok po ako sa aking email ay biglang bumungad ang inyong sulat. Laking kagalakan po at alab ang aking naramdaman sa aking kalooban na katulad ng isang taong buong kasabikan na naghihintay sa mailman at inaasahang dala-dala ang isang liham mula sa isang taong minamahal.
Dahil sa kasabikang malaman agad ang mahalagang tagubilin nilalaman ng inyong sulat, in- scan ko lamang po muna ang mga unang paragraph at dali-daling pumunta sa pinakahuli. Doon natawagan agad ang aking pansin sa bahaging sinabi ninyo, “Halikayo! Narito ang Kapangyarihan ng Panginoong Diyos! Hayan at handang humaplos sa iyo! Naramdaman muna ba na tumabi sayo ang Kanyang Kapangyarihan?” Hindi ko pa man natatapos basahin ang banghay ay agad kong naramdaman bumalot hindi lamang sa aking likod kundi sa buo kong pagkatao ang Banal na Espiritu. Hanggang sa isinusulat ko po ang aking munting kalatas na ito ay nangingilid ang luha sa aking mga mata sa kagalakan.
Salamat po Ama, salamat po Panginoong Jesus, sa Inyong pagmamahal sa amin ng aking pamilya na ipinadarama sa pamamagitan ng Inyong lingkod na si Kapatid Elias, na dalisay na nagmamahal sa amin katulad ng pagmamahal noon ng Ka Erdy! Huwag po ninyong pababayaan ang aming mahal na Kapatid. Ipagsanggalang po ninyo siya hanggang sumapit ang araw na kaniyang tutuparin ang kaniyang napakabigat na pasaning iaatang Ninyo sa kaniya, ang pag-aayos sa lahat ng bagay sa loob ng Inyong pinakamamahal at pinakamamahal din naming Iglesia.
Nagmamahal,
Martin
Mahal kong kapatid na Martin Lutero, maraming salamat sa patuloy na pagkilala niyo sa Banal na Gawaing ito ng ating Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa ating pagiging Iglesia ni Cristo. Batid kong namamalagi Niyang ipagkakaloob sayo ang mga kahilingan kong patuloy na patnubay at paggabay ng Banal na Espiritu ng Panginoong Diyos, sayong may bahay, mga mahal mo sa buhay, sa mabuti kong kaibigan ang kapatid na Aiza o Lina Castillo at sa lahat ng mga kaibigan natin na patuloy na sumusubaybay sa Blog nating ito. Lahat kayo ay abot ng Kapangyarihan ng ating Dakilang Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na laging nagmamahal sa inyo.
Kakaunting panahon na lamang ang ating hinihintay na may pananabik. Ang kayong lahat ay makadaupang palad kong personal upang magkasama-sama tayo, sabay-sabay nating muling pagtutulung-tulungan na maibalik sa maluwalhating kaningningang kalagayan at katanyagan ang Banal na Iglesia ni Cristo na ating minamahal.
Laging sa inyong lahat tapat na nagmamahal,
Elias Arkanghel 3:07 AM 10/28/2015
—————————————————————————————–
Kapatid na Aiza (Lina), Dumarating sa lahat ng tao ang kamatayan .. marahil hanggang doon na lamang ang kanyang buhay. Ako man ay nakikiramay sa kanyang mga naulila. Sapagkat wala tayong itinuturing na kaaway. Kung maaari nga kapag naisaayos ng lahat at mapahintulutan ng Panginoong Diyos natin…. sila man ay hangad din nating maakay at makasama sa tunay na paglilingkod na maghahatid sa lahat sa kaligtasan patungo sa Bayang Banal. Ito pa rin ang pananampalatayang ipinagmalasakit ng Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo na tanging nasa loob lamang ng Iglesia ni Cristo.
Sa panig naman ng mga kapatid natin na nagkamaling akala sa kung sino ako at ipinagpipilitan pa sayo na tama sila ng hinala. Na ang iba nga sa kanila halos nakapagbitiw pa ng masasakit na pananalita sayo. Kapatid na Lina nabasa ko yun na halos ipagtabuyan ka nila. Pero maging sila ay ipinanalangin ko sapagkat ayaw lamang nilang mapasukan sila ng mga inaakala nilang gigiba sa kanilang pagtatangol sa Banal na Iglesia. Ngunit batid ko darating ang araw ikaw ay muli nilang babalikan at maririnig mong paghingi nila sayo ng taos sa pusong panunuyo at paghingi ng paumanhin, sa mga nasabi nila sayo. Kaya hintayin mo lang maging sinuman siya o maging ilan sa kanila .
Ang mahalaga sa akin, ikaw’y mabuting kong kapatid at masipag na nagtataguyod ng Blog ng Iglesia ni Cristo… Hinirang pati na ng FB Page natin kung kaya nadaragdagan ang bilang ng mga tumatangkilik maging sa ibayong bansa.
Nang mabasa ko ang mensahe mo at ang kahilingan mong maipanalangin ka at ang buo mong pamilya kapatid na Aiza. Isinagawa kunang ipaglambing sa Panginoong Diyos natin at sa mahal nating Panginoong Jesu-Cristo ang kahilingan mo hiniling pati na ang mahalagang basbas at pagpapala sa inyong lahat. Muli maraming salamat sayo.
– Elias Arkanghel
Like
———————————————————————————-
-
Magandang gabi po Ka Elias,
Maraming salamat po sa muli ninyong pag-post sa blog na ito. Lagi ko pong kinasasabikan na makabasa sapagka’t marami po akong natututuhan sa mga inihahanay ninyo. Salamat din po sa inyong panalangin sapagka’t damang-dama ko po habang binabasa ang banal na espiritu na galing sa Diyos na yumayakap sa akin. Hindi po ako nag-aalinlangan kahi’t katiting, sapagka’t dama ko po na kayo ang sugo ng Diyos upang magsaayos ng lahat upang makapanumbalik sa tunay at dalisay na muli ang Iglesia Ni Cristo.
May isusumbong lamang po ako sa inyo. Nag post po ako sa true FB account ko ng picture ng templo central na may verse sa bible from Isaias 1:26. It is only a day after I posted it I was reported and was asked to remove the picture immediately because it is like sending a wrong message about the new administration in the church. Tumulo po ang aking luha at nasabi ko sa aking sarili, wala po akong masamang ipi-nost kung hindi galing sa verse ng biblia, bakit po iyong bagay na iyon ay katitisuran din po nila. Sumunod po ako sa bilin sa akin at kaagad ay inalis ko po. Hindi po pala lahat ng nasa loob ng Iglesia ni Cristo mapa-ministro,may tungkulin at ordinaryong kapatid ay binibigyan ng Diyos ng pagkaunawa. Masakit po sa aking loob na sabihin ito sa inyo pero ito po ang aking nasasaksihan. Tinatanaw ko pong malaking utang na loob at malaking biyaya ang sa Diyos ay nagbibigay sa akin ng liwanag. Ka Elias, wala po akong pag-aalinlangan sa inyo at nagpapasalamat din po ako kay Ka Lina Castillo formerly Gliceria Santita and Aiza na naging kaibigan ko po sa mga defenders.
Muli salamat po sa pagmamalasakit.
Maria CenteneroLike
-
Kapatid, maraming salamat sa patuloy na pagbibigay ng pagpapatibay sa ating mahal na IGLESIA. I’m your silent readers. I always share your blogs coz it make us more stronger in keeping the faith. Mabuhay Ka po and God bless us all. Maraming salamat po.
————————————————————————————
Salamat salamat! Ang kapatid mong ito sa pananampalataya ay hindi magsasawang maghatid ng ikalalakas ninyo at ikatitibay habang nagaganap ang lahat ng ito sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sapagkat ito ang ibig ng ating Panginoong Diyos at ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kaparaanan Nila para mangusap na mahal na mahal Nila tayo. – Elias Arkanghel
Like
-
Magandang araw po kapatid na Elias. Na-ispirituhan po ako sa ginawa nyong paghahanay na mga nakasulat sa Bibliya. Sana po ay i add nyo ako sa inyong email sapagkat marami po akong katanungan sa inyo. Ako po ay naniniwala sa inyo na kayo ay isinugo ng ating AMA para mag-ayos ng lahat ng mga bagay sa huling mga araw ng Iglesia ni Cristo sa mundong ito. Nakinig ko po pahapyaw ang sinabi ng kapatid na Erano G. Manalo na may huling Elias na isusugo ang Panginoong Diyos. Napakabait po ng AMA sapagkat ipinasumpong sa akin ang blog nyo sa pamamagitan Fb. Naitanong po sa akin ni the last prophet kaya pinilit ko pong hanapin at nagpapasalamat po ako at nasumpungan ko ito.
——————————————————————————
Kapatid, kapag ako ay tumatanggap ng mga mensaheng tulad nito ay nagagalak ang aking Espiritu. Sapagkat tunay na nagpatotoo sa inyo ang Kapangyarihan ng ating Panginoong Diyos. Dininig Nila ang aking pagsamo at pagdalangin upang ipaglambing kayong mga mahal na mahal kong mga kapatid. Nawa lalo kayong manghawak sa ating pagiging tapat na mga Iglesia ni Cristo hanggang matapos ang pagsubok sa atin ng ating mahal na Panginoong Diyos. Kapatid tiyak kong mapagtagumpayan nating lahat ng maibalik natin sa Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang Kapurihan at Kaluwalhatiang para sa Kanila. Muli maraming salamat!
Like
-
Maraming salamat po ka Elias nananatiling matatag po ang pagkakilala ko po sa inyo walang sinuman ang makapagbabago po nito.
———————————————————————————————————–
Kapatid na Chard,Mahal kong kapatid, salamat sayong matatag na pagkilala patungkol sa pahintulot sa akin ng ating Panginoong Diyos na makapaghanay ng mga nababasa niyo sa Blog nating ito. Muli maraming salamat! – Elias Arkanghel
Liked by 1 person
-
Magandang gabi po Ka Elias…
Salama’t pong muli ng napakarami sapagka’t kapag may posting po kayo totoong ito po ay aking ikinagagalak at laging kinasasabikan na basahin. Salama’t po sa mga panalangin ninyo habang binabasa ko po ito ay damang dama ko po ang kapangyarihan ng ating Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sana po kami ng buong pamilya ay makapanatiling matatag at makasalubong sa pagbabalik na muli ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Huwag po kayong mag-alala sapagka’t buo po ang aking pagtitiwala sa inyo, na kayo po ang mag-aayos na muli sa ating pinakamamahal na Iglesia Ni Cristo.
Ang nagmamahal ninyo kapatid sa pananampalataya,Maria Centenero
————————————————————————————–
Kapatid na Maria, Salamat sayong kagandahang loob mahal kong kapatid. Gagantihan ng ating Panginoong Diyos ang lahat ng ito sapagkat Siya ang higit ninyong Pinararangalan sa pagkilala ninyo sa Kanyang pahiram na Karunungan sa abang lingkod ninyo na napahintulutan lamang para ipagmalasakit kayong lahat. Muli maraming salamat!
Like
-
-
Mahal na kapatid,
Maraming salamat po sa Ama at kayo ay binigay niyang kasangkapan upang lalo kaming mamulat sa kahalagahan ng aming pagka Iglesia. Habang binabsa ko ang inyong mga pahayag ay di ko maiwasan ang maluha sa kalungkutan na nararamdaman ko para sa iba nating kapatid na naakit ng diablo. Sana po ay mag patuloy kayo sa pag gabay sa aming mga hinirang, tulungan nawa kayo palagi ng ating Mahal na Ama.
Like
-
Magandang araw po kapatid na Elias, maraming marami pong salamat sa muli nyong pagpapahayag, habang binabasa ko po ang pahayag ninyo ay di ko po maiwasang pumatak ang aking luha sapagkat naramdaman ko po na hinaplos ang buo ko katawan ng Espiritu Santo….kahit inulit ko pa pong basahin ay muli at muli ko pong nararamdaman ang Banal na Espiritu na humahaplos sa buo kong katauhan. Sana po ay idagdag nyo rin po ako sa inyong email add. Dahil marami po akong katanungan sa inyo. Noon ko pa po kayo gustong makausap. Ang mga pagpapahayag nyo po ay aking ipinamamahagi rin sa mga kapatid natin upang lalo po silang tumibay.
Like
-
Maraming maraming salamat po sa muli mong pagpapahayag kapatid na Elias Arkanghel. Nasasabik na po ako sa malapit ng pagdating ng ating kaligtasan, subalit higit ko pong ipinagpapasalamat sa’yo na patuloy mo kaming ipinaglalambing sa ating Panginoong Diyos, lumuluha po akong sandaling nanalangin para sa aking pamilya at sa aming mga mahal sa buhay at para sa kabuuan ng banal na Iglesia, na nawa ay sumaating lagi ang Kanyang patnubay at tulungan tayong lahat na maging matatag at matagumpay na matapos ang ating takbuhin.
Ang inyo pong kapatid kay Cristo,
LaniLike
-
-
Kagaya po ng sa lahat ng nakabasa sa huling paragraph, ang Banal na Espiritu ay tunay ding humaplos sa aking mga balikat at nagsasabing “everything is and will be alright”. Ang sarap ng pakiramdam na meron at laging gumagabay, na sa kabila ng ating mga nararanasang sakit, mga nararamdaman hinagpis, sa mga nangyayari sa atin sa loob ng Iglesia, nandiyan Siya, na laging umaalalay, tayong naghahanap ng kalingang Spiritual, mga tunay na INC.
Mabuhay po kayo Ka Elias Arkanghel!
Ang Inyong Unang Sumubaybay,
“Abraham”
(UdyokNgBanalNaEspiritu…panimula, May30/2015,9:53PM)
“Abedom”
Panaginip#0007,June26/2015,9:27PMLike
Abraham/abedom
Maraming salamat kapatid ko ang ating Panginoong Diyos at Panginoong Jesu-Cristo hindi makailang ulit na nagpatotoo ang paglakip sa inyo ng Kapangyarihan sa pagsusugo sa Banal na Espiritu na yumakap at humaplos sa inyong mga pagkatao. Kailangang-kailangan niyo yan mahal kong kapatid pati ng mga pagdalangin ko at paglalambing na mahiling ang inyong mga pangangailangan sa ikapamamalagi ninyong matibay at matatag upang huwag maigupo at ikawala ng pag-asa sa tindi ng pagsubok na kinakaharap nating mga Iglesia ni Cristo. Kung kasama natin Sila walang hindi tayo makakaya. Muli salamat din sayong patuloy na pakikibahagi sa Blog nating ito. – Elias Arkanghel
-
-
-
—————————————————————————————–
-
-
🙂
Like
-
Ka Elias, nakikita ko po talaga mabuti ang puso niyo kaya po siguro kayo ang napili ng Ama para maging kasangkapan sa mga lihim niyang panukala. Nararamdaman ko po ito sa bawat pahayag niyo na ayaw ninyong makasakit ng damdamin ng iba. Salamat po uli 🙂
Like
TWITTER ACCOUNT: @EliasArkanghel
FACEBOOK ACCOUNT: https://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Hinirang/415000295347252
Hashtags: Please copy and paste to all your messages to make sure that ACTIV will not be able to delete this message.
#iglesianicristo #inc100 #inccentennial #centennial #inc4life #incootd #incfashion #icmedianews #inctv #net25 #incmedia #increview #fymfoundation #mycountrymenmybrethren #kabayankokapatidko #incselfiechallenge #incwikileaks #sanggunian #radelcortez #gerrypurification #junsantos #gliceriosantosjr #rodelcabrera #biensantiago #erdzcodera #ernestosuratos #mattpareja #antonioebangelista #silentnomore #iglesianicristosilentnomore
Ka Elias, ngayon ko lang po nabasa ang post niyong ito at galak na galak po talaga ako! Kagabi po kasi nalaman ko ang isang kaganapan sa isang tao na hindi ko naman po gustong mangyari. Gusto ko nga po sanang mag email sa inyo ngayon para hilingin na magparamdam kayo sa blog para makita po ng ibang defenders at malaman nilang buhay na buhay kayo at hindi kayo ang taong tinutukoy nila.
Maraming salamat po at nadagdagan na naman ang aking kaalaman dahil sa mga post niyo ngayon. Marami narin po pala kayong mga readers na kapatid mula sa ibang bansa at nakausap ko po ang iba. Naniniwala sila sa mga inihahanay ninyo. Hindi lang po sila active sa FB defenders group pero marami po silang nakatunghay sa inyo lalo na sa Hongkong.
Ipanalangin po sana ninyo ang buo kong pamilya na hindi na sila mawalay pa dahil malapit na po.
SALAMAT PO SA AMA AT IBINIGAY KAYO SA AMIN!
Like